Monday, October 17, 2011
Practical Christmas Gift Ideas
Christmas is near na nga, nagkalat na ang mga nagbebenta ng fake na christmas lights, naririnig na ang mga Christmas songs habang nagpapalamig sa mall at araw araw ng nag darasal ang mga tulad kong empleyado na sana ay ibigay na ang Christmas bonus. :)
Christmas is about giving nga daw, masaya tayo kapag nakakapagbigay ng regalo pero mas masaya kung ikaw ang tatangap nito.
Minsan status symbol na lang din ang pagbibigay ng regalo. Mahuhusgahan ka base sa kung anong regalo ang ibibigay mo. Kung gusto mong panindigan ang pagiging sosyal magreregalo ka ng mamahalin, kung paninindigan mo naman ang pagiging kuripot mo, eh malamang nagdarasal na yung classmate or officemate mo na hindi ikaw ang makakabunot sa kanya ngayong pasko.
Pero walang masama sa pagiging kuripot, pwede din namn kasi na magbigay ng mura pero maganda. Ang kailangan mo lang ay time para maghanap at maging creative.
Examples:
a. Earphones - Kung ikaw ay isang commuter mapapansin mo na halos na yata ng mga kasakay mo ay meron nito, sa jeep, bus, mrt, lrt, fx at kung saan saan pa. Sa may aurora Cubao, nakita ko ang cute earphones na may iba't iba't kulay na worth P60 lang. Sinubukan kong tawaran ng P30, dineadma lang ako ni kuya. :)
b. Books - Kung bookworm ang reregaluhan mo, ito ang perfect na pang regalo. At ang best place? BOOK SALE, kahit saan yata meron nito, Hindi mo nga lang makikita dito yung mga vampire series na kinahuhumalingan ng mga kabataan ngayon, pero madami pa din namang choices. Prices starts at P10 pesos. Not bad na, last week nakabili ako sa Book Sale Time Plaza Un Avenue ng 3 Pcs at P50. Bongga na diba?
c. Neckties - Kung medyo pumopormal pormal naman ang pagbibigyan mo, Saizen Daiso ang sasagot dyan, sa dinami dami na worth P85 pesos na items nila, yung necktie nila ang bonnga. Many designs to choose from, ikaw na ang bahala, promise hindi mukhang P85.
d. OverRun Clothes - Ito ang tinatawag na sosyal na ukay-ukay. Mura pero maganda. the problem kasi with ukay minsan halata na, nakakahiya naman ipang regalo diba? Stores na I think ay magaganda ang choices one in Ali Mall Cubao, Sorry i forgot the name, and one in Alphaland mall in Magallanes. Hindi namn kalakihan both malls so i think madali mo na rin mahahanap.
e. 1L of Handsoap/Shampoo/ conditioner - there's this store in Alimall na nag bebenta ng all P100 pesos, mostly ay mga products from states and all P100 lang.
... mglalakad lakad muna ko, at promise bago mag pasko, updated na to !:))
Ang point lang naman, hindi kailangang mahal magregalo, uso pa din namn ang it's the thought that counts, pero wag ka naman abusado. Do research and be creative. :)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)




No comments:
Post a Comment